Header Ads

MARANAO: O, Lilang ko..


By Lalawi-in D. Pangcoga

May nadama ang puso ko
Hindi masambti ng labi ko
Na minahal kita sinta ko
Ikaw lang ang tanging buhay ko.


Nais makita ng mata ko
Ang ngiti sa mga labi ko,
Sa pang-araw-araw na takbo
Ng buhay kong pinasaya mo.

Hindi ko alam kung bakit
Bahagyang napakasakit
Matanaw kang papalapit
Sa mga mata mong maririkit.

Ako ma’y nandirito
Ngunit sayo’y parang wala rin ako
Bakit palaging ganito
Isip mo’y wala rito.

Nais kong ilaan mo
ang oras at pansin mo
Sa isang katulad ko
At huwag mag-ibang anyo

Di ko man mailabas
Nararamdaman kong wagas
Dahil ako’y umiiwas
Nais ko’y iyong matalas.

Ngunit ako’y masaya
At ika’y nakikita
Matanaw ko lang sinta
Buhay lo.’y sumisigla.


Post a Comment
Copyright. 2013. The New Ranao Star. Powered by Blogger.